Friday, May 20, 2011

Impossible Love

Isang napakainit na hapon sa desyerto.

^^. : Pare! Mukang ang saya saya mo ngayun ah
^.^ : Ha? Hindi ah (ngiting ngiti)
^^. :Sus! E bat yung ngiti mo umaabot na sa muka ko?
^.^ : Hahahaha.
^^. : Kwento mo naman.
^.^ : Wag na! Baka mainggit ka lang.

Madilim na.

^.^ : Ang ganda nya. Dadaan kaya ulit sya. Ano kaya ang tawag sa kanya? Kakaiba sya. Parang napakaamo ng
        ichura nya. Sana malaya din ako katulad nya...

Umiihip ang malakas na hangin.

^.^ : Hi!
(  ) : Sino yan? (Palingon lingon. Hinahanap ang boses na narinig)
^.^ : Andito ako sa baba mo. (Kinakabahan)
(  ) : Ikaw ba ang nagsalita? Anong tawag sayo? Dito ka ba nakatira? (Nakangiti)
^.^ : Oo. Dito ako nakatira. Ako si Cactus. Ikaw? (Masayang masaya)
(  ) : Ako si Lobo.
^.^ : Salamat pinansin mo ko. Tuwing napapadaan ka dito, lagi kita sinusundan ng tingin. Pero natatakot
       akong kausapin ka at isa pa napakabilis mo gumalaw. Sa tuwing magtatangka akong lapitan ka
       nasa malayo ka na.
(  ) : Nakakatuwa ka naman.
^.^ : Maari ba kita maging kaibigan?
(  ) : Walang problema.

At sila'y nagkwentuhan,nagtawanan,naging masaya sa buong magdamag.

(  ) : Kailangan ko ng umalis.
^.^ : Babalik ka ba dito?
(  ) : Sige bukas magkita ulit tayo at kwentuhan mo pa ako.
^.^ : Oo pangako marami akong ikkwneto sayo.

Lumipas ang ilang araw na laging nag uusap sila Cactus at Lobo. Naging magaan ang loob nila sa isa't isa kahit na ng uusap sila ng may distansya. Mas nakilala pa nila ang isa't isa, kung ano ang gusto ng bawat isa, kung ano ang kinatatakutan ng bawat isa. Naging mabuti silang magkaibigan at tuluyan ng nahulog ang loob ni Cactus kay Lobo at napagdesisyonan nyang ipagtatapat na nya yun kay Lobo.

^.^ : Alam mo, ngaun lang ako nakakilala ng katulad mo. Iba yung pakiramdam ko pagkasama at kausap kita.
        Napakasaya ko pag nakikita kita kahit malayo ka pa lang. Sa twing nag uusap tayo parang hindi ako
       nauubusan ng kwento. Pakiramdam ko nga nahuhulog na ko sayo.
(  ) : Anong ibig mong sabihin?
^.^ : Mahal na kita. Simula pa lang naman gusto na kita. Mabait ka, maganda. Sa totoo lang naiinggit ako sayo
       kasi malaya mong nararating lahat ng gusto mo. Minsan gusto kitang samahan pero alam ko wala akong
       kakayanan na gawin yun. Kaya natatakot rin akong ipagtapat sayo nararamdaman ko. Naiisp ko rin na
       maaring hindi ka maging masaya sakin.
(  ) : Masaya rin ako kapag kasama at kausap kita kahit kinakabahan akong lapitan ka dahil puno ng patusok
       ang katawan mo hindi ko inisip na magiging mapanganib ka para sakin.
^.^ : Pero pano kung mapanganib nga talaga ko sayo? Ayokong masaktan kita dahil sa mga patusok ko.
       Mahal na mahal kita hindi kita kayang saktan.
(  ) : Alam ko yun. Mahal din kita at handa naman akong magsakripisyo para sayo. Kaya ko rinf tanggapin kung
       ano at kung ano lang ang kaya mong ibigay at gawin. Bakit hindi natin subukang magdikit?
^.^ : Hindi pwede yun. Pwede kang mabutas, mawalan ng hangin at mamatay.
(  ) : Kung mamamatay naman akong nasa mga bisig mo,wala akong pagsisisihan.
^.^ : Pero paano ako pag wala ka na?
(  ) : Anong dapat nating gawin?
^.^ : Siguro lumayo ka na lang sakin. Mas magiging masaya ka iba. Sa kauri mo, sigurado hindi ka nya sasaktan.
(  ) : Bakit sumusuko ka na? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit mo ko pinapalayo? Anong klaseng pagmamahal
       ang sinasabi mo?

Mabilis na lumipad palayo si Lobo kay Cactus habang umiiyak at naiwan si Cactus na puno rin ng luha ang mata.

Isang napakainit na hapon sa disyerto.

^^. : Hoy pare! Kamusta na?
^.^ : ........
^^. : Parang nung huling kita natin hindi maalis ang ngiti sa muka mo, bakit ngayon parang nadaganan ka ng
       sampung camel?
^.^ : Ang hirap pala talaga pag hindi mo pwedeng makasama yung mahal mo dahil sadyang hindi kayo para sa
       isa't isa noh? Kahit ipilit mo sa tadhana at ihiling mo sa mga bituin sa langit, kapag hindi nakalaan para sayo
       dapat mong pakawalan. Mahal na mahal ko sya ayoko syang saktan. Mas pinili ko kung saan talaga sya
       mapapabuti at magiging masaya. Mabuti ng ako ang maghirap kesa habang buhay ko syang saktan. Ginawa
       ko yun dahil sa sobrang pagmamahal...

"Sacrificing your happiness for the happines of the one you love is the truest kind of love"

Thursday, May 19, 2011

Pansit! Pampahaba ng LIFE

WOW! ang daming pansit sa bahay ng lola ko kaninang hapon!
 Kakatapos ko lang mag-adik sa games, nakaramdam ako ng gutom,walang almusal,walang tanghalian, 4pm na pala! Di ko man lang namalayan! Ang sarap kasi maglaro. Gutom na ko. Ano ba yan! Walang makain dito sa bahay.. Pumunta ko sa tapat bahay namin. Ang ingay ng mga pinsan ko, parang bahay ampunan na nga yung date kong tinitirhan. Punta ko sa kusina, c lola nagluluto. napa-wow talaga ko sa dami nung pansit!
"Ma,luto na ba yan?" excited na excited ako!
"Malapit na toh" sabi ng lola ko.
"bakit ang dami naman ata nyan?" nagtataka lang ako.
"Nagkamali nga ako ng bili,naparami,pwede na yan,madami naman bata."


After 10minutes.
"MGA BATA KAIN NA!"
Sugod ako kahit alam kong hindi ako bata. Nang away pa para sa pwesto sa mesa. At talagang nakipagunahan sa pagsandok ng pansit! Wow talaga sa sarap basta luto ng lola ko! 1st round. Ting! Taob ang plato. 2nd round! Knock out ulit. 3rd round! Ako na ang sumuko. Burp! Parang pakiramdam ko pwede na ko ibenta at katayin
Pahinga. Nuod ng tv. Biglang may dumating. Tito ko. 


"Ara! Shane!" tinatawag nya mga anak nya.
"Nakain pa. Ang aga mo yata." sabi ko.
Ngumiti lang sya. Parang may iba sa mata nya, para syang may sakit. Napansin ko din na pumayat sya.
"Kain ka daw muna ng pansit." sabi ko ulit.
"Peram ako nung susi ng bahay, uwi na ko pakihatid nlng cla ara" sabi nya naman.
Balik ulit ako sa panunuod ng tv.


Biglang umulan. Malakas na ulan. Umuwi ako ng bahay para ulit maglaro kasama ko c Duday,panganay na anak ng tito ko. Hindi sya basta pinsan para sakin, special sya. 17 years old na sya pero isip nya pang bata lang. Mataba. Nakakatuwa. 
Sa sala namin may pansit pa rin,yung kapatid ko nmn ang nakain habang sinusubuan ng mama ko. Palaging pinapagalitan ng mama ko si Duday.
"Hay naku duday! Pano ka na nyan? Tignan mo may sakit daddy mo dapat ikaw na ngbbntay sa mga kapatid mo." sermon ni mama kay Duday
"Ano sakit ni tito Julius???" gulat na gulat talaga ko.
"May bukol sa baga" sabi ni mama.
"Hala!" nalungkot na ko bigla...




Kahapon malakas ka, lahat kaya mo gawin, lahat kaya mo buhatin. Mabisyo ka. Sindi ng yosi, tagay ng alak. Puyat ng puyat. Ligo sa gabi. Kain ng unhealthy foods. Malakas ka pa kasi. Hindi natin alam naabuso natin katawan natin. Pag tanda, tsaka magsisisi. Naisip ko lang, pano cla Ara, ang babata pa. Si Duday nmn may sakit sa pag iisip. Nakakalungkot na hindi natin kayang alagaan ng maiigi yung kalusugan natin, masyado natin inaabuso katawan natin. Naisip ko rin na ako posible din magkasakit pagtanda ko, mabisyo din ako, alam ko abusado din ako sa katawan ko, bigla ako nakaramdam ng takot kahit sabihin na kaya nga may mga hospital at mga doctor at mga gamot hindi pa rin ako panatag. Napaissip tuloy ako "maililigtas kaya ng pansit buhay ng tao? Kapag kaya araw araw ako kumain ng pansit, hahaba kaya buhay ko?"

Sunday, February 6, 2011

Getting Started

meron 2 taong malapit na malapit sakin ang pilit akong pinagagawa ng blog. sabi nila dito daw mailalabas ko lahat lahat ng naramramdam ko,more likely labasan ng sama ng loob. siguro nga tama sila. nung una,ng-oo lang ako sa kanila,pero parang wala naman talaga akong balak gumawa ng blog kasi hindi naman ako magaling magsulat (siguro akala ko para lang sa mga writer ang pagbblog),tsaka tingin ko non-sense naman lahat ng sasabihin ko. pero ngaung gabi na to,dahil na rin sa sobrang walang magawa at nainspire naman ako sa mga nabasa kong blog kanina,naisip ko na rin na 'sige gawa na rin ako' ;)

this will serve as my first post as a new blogger,at hindi ko naman alam kung saan iikot ang mga sasabihin ko dito. naisip ko na lang na tungkol na lang muna sa sarili ko.

AUBREY MAE DIAZ AGUILAR is the name ;)
sa ngayon,dakilang tambay at parang wala ng patutunguhan sa buhay. drop out sa school,hindi na renew sa work, sakit ng ulo sa magulang, marami ng sinayang, at iniwan ng taong minamahal. sarap noh? ;)
pero kahit na napakasarap ng buhay para sakin, marunong pa rin naman ako maging masaya at maka-appreciate ng mga ilang bagay na tinuturing ko na ring blessings.
sa ngayon,parang ang dami dami kong hinihintay. naghihintay ako ng tawag sa mga inapplyan ko,naghihintay ako na marelease ung visa letter ko, naghihintay ako sa taong pinaasa ako sa hindi malamang dahilan kung anong trip sa buhay. naisip ko tuloy 'may madaling paraan ba ng paghihintay?'
pero syempre dapat madami ka pa ring possitive energy sa katawan mo,dapat pa ring isipin na lahat ng hinihintay natin ay dadating din naman in God's perfect time. kung hindi man dumating,hindi raw yun para satin,pero may nakalaan na mas fit talaga satin.

ako din yung tao na pag gusto ko gagawin ko,hirap na hirap kasi ako alamin kung ano yung 'gusto' at 'kailangan' kaya kadalasan,palpak ang kinakalabasan. madaming nasisira,madaming nasasaktan,pero buhay pa ko kaya kelangan ko pa ring ituloy at piliting ayusin lahat ng mga nasisira ko.

madami rin akong pangarap. sa sobrang dami,wala akong matupad. yung iba tinanggap ko ng hindi na talaga matutupad,karamihan naman pending pa rin. sa february8, 20 years old na ko, dapat may matupad na ko sa mga pangarap ko,pabilis na ng pabilis ang takbo ng panahon,nakakatakot mapag iwanan. nakakatakot pag ngstuck lang sa nakaraan,bukod sa nakakatakot,nakakaawa na rin. kaya dapat keep moving forward. masarap pa rin namang mabuhay habang nangangarap kasama yung mga taong pinag aalayan mo ng pangarap. date karamihan sa mga pangarap ko kasama yung isang taong pinag alayan ko ng halos buong buhay ko na,kaya lang nawala na sya nawala na rin yung mga nabuo naming pangarap, pero mas lumawak pa pala yung kakayanan kong mangarap nung nakita ko na may pamilya pa pala ako,na kahit kelan hinding hindi ako iiwan,na kahit ilang beses ako bumagsak,hindi sila magsasawang itayo ako,na kahit hindi ko agad matupad yung mga pangarap ko,mahihintay nila ako dahil alam ko na may tiwala sila sakin. sana lang talaga hindi sila mapagod na suportahan ako.

siguro eto lang muna sa ngayon,kelangan ng maligo at amoy kahapon na ko ;)

"Avoiding problems you need to face is avoiding life you need to live.."